Huwebes, Hulyo 6, 2017




Maaaring gawin upang mapaunlad ang turismo sa Pilipinas


Ang Kagawaran ng Turismo o Department of Tourism sa salitang Ingles ay ang kagawarang tagapagpaganap ng pamahalaan sa Pilipinas at ang pagpapakilala sa Pilipinas bilang isang destinasyon na may mandatong manghikayat, isulong at palaguin ang turismo sa Pilipinas bilang pangunahing sosyo-ekonomikong gawain para magkaroon ng pananalapi mula sa ibang bansa, palaganapin ang benepisyo ng turismo sa kapwa pribado man o publikong serbisyo at tiyaking ligtas, maginhawa at kasiya-siya ang pamamalagi at paglalakbay ng mga dayuhan at maging kapwa Pilipino sa Pilipinas. Tinitiyak nila na may tungkuling silang sinusunod ukol sa alintuntunin ng industriyang panturismo ng Pilipinas. Sila rin ay naglalayon na magkaroon ng mas madaling paraan upang mapuntahan ang mga destinasyon sa Pilipinas, gumawa ng mas dekalidad at mas mura mga produktong panturismo at palakihin ang pagkilala sa turismo bilang isang mabisang kasangkapan para sa sosyo-ekonomikong pagpapaunlad ng Pilipinas

Ngunit ang kagawaran ng turismo ay may malaking hamon na kinahaharap ito ay ang pagbaba ng turismo sa Pilipinas.
Ano nga ba ang dapat gawin ng kagawaran ng turismo upang dumugin ang Pilipinas?
Narito ang mga suhesyon na maaaring makatulong sa mga kinauukulan para mapaunlad ang turismo sa ating bansa.

1. Cover the basics
Ang ibig sabihin ng "basics" eh yung mga common sense na pangunahing kinakailangan ng tao katulad hangin, tubig, pagkain, shelter at damit. Mayroon bang malinis na tubig? Ligtas ba yung pagkain? Maaayos ba ang kanilang matutuluyan? Pwede na ring idagdag sa basics yung kuryente at imprastruktura ng bansa. May kuryente ba? Maayos ba yung mga kalsada at establishment? Kapag napadaan ang isang turista sa isang lubak-lubak na kalsada at traffic pa asahan mong pi-picturan niya, ko-commentan niya at ise-share sa social media ang lahat ng mae-experience niya. Kaya sana naman mai-provide ng mga kinauukulan ang mga basic needs and services sa mga bisita natin para sa ikakaunlad ng turismo sa Pilipinas.

Image result for turismo sa pilipinas
https://thepinoysite.com/2012/04/11/mas-masaya-sa-pilipinas-part-1-of-4/


2. Solusyunan ang karanasan at krimen
Malaki sa pondo ng kagawaran ng turismo ang dapat ibinubuhos sa pagpuksa ng kriminalidad sa ating bansa upang magkaroon ng seguridad ang mga turista dayuhan man o kapwa natin Pilipino.

3. Kahandaan sa mga natural calamities
Sino bang turista ang gugustuhin magpunta sa laging sira ang mga beaches, ang mga resort, ang mga gulayan, ang mga palaisdaan at ang mga bubungan?
Kaya't sana mas maging handa ang lahat hindi lang sa personal nating kaligtasan kundi para rin sa kapakanan ng mga bisita o mga turista at ayusin na rin ang mga airport para sa ikakadali ng pagpunta sa Pilipinas ng mga turista.


Ang kagawaran ng turismo sa Pilipinas ay handang magbigay ng magandang serbisyo at pangalagaan ang mga destinasyon na pinupuntahan ng mga turista sa ikalalago ng turismo sa Pilipinas. Ang kagawaran ng turismo ay handang magbigay kaligtasan sa bawat turista. Marami mang problemang kinahaharap ang kagawaran ng turismo ay handang nilang gawin ang lahat upang palaguin ang turismo. Higit sa lahat alagaan ang mga lugar nang may malalim na hango ang ating kasaysayan na siyang pinupuntahan o destinasyon ng mga turista. Ipakita ang pagiging palakaibigan, mapagbigay, warmth at handang tumulong sa mga dayuhan upang magkaroon ng positive experience na maaari nilang ikuwento sa iba sa ikauunlad ng turismo sa ating bansa. Pinangangatawanan din ng kagawaran ng turismo sa Pilipinas ang slogan na "IS MORE FUN IN THE PHILIPPINES".



Image result for its more fun in the philippines
http://primer.com.ph/blog/wp-content/uploads/sites/14/2016/11/Its-more-fun-in-the-philippines.jpg


References: