Maaaring gawin upang mapaunlad ang turismo sa Pilipinas
Ang Kagawaran ng Turismo o Department of Tourism sa salitang Ingles ay
ang kagawarang tagapagpaganap ng pamahalaan sa Pilipinas at ang pagpapakilala
sa Pilipinas bilang isang destinasyon na may mandatong manghikayat, isulong at
palaguin ang turismo sa Pilipinas bilang pangunahing sosyo-ekonomikong gawain
para magkaroon ng pananalapi mula sa ibang bansa, palaganapin ang benepisyo ng
turismo sa kapwa pribado man o publikong serbisyo at tiyaking ligtas, maginhawa
at kasiya-siya ang pamamalagi at paglalakbay ng mga dayuhan at maging kapwa
Pilipino sa Pilipinas. Tinitiyak nila na may tungkuling silang sinusunod ukol
sa alintuntunin ng industriyang panturismo ng Pilipinas. Sila rin ay naglalayon
na magkaroon ng mas madaling paraan upang mapuntahan ang mga destinasyon sa
Pilipinas, gumawa ng mas dekalidad at mas mura mga produktong panturismo at
palakihin ang pagkilala sa turismo bilang isang mabisang kasangkapan para sa
sosyo-ekonomikong pagpapaunlad ng Pilipinas
Ngunit ang kagawaran ng turismo ay may malaking hamon na kinahaharap ito
ay ang pagbaba ng turismo sa Pilipinas.
Ano nga ba ang dapat gawin ng
kagawaran ng turismo upang dumugin ang Pilipinas?
Narito ang mga suhesyon na maaaring
makatulong sa mga kinauukulan para mapaunlad ang turismo sa ating bansa.
1. Cover the basics
Ang ibig sabihin ng
"basics" eh yung mga common sense na pangunahing kinakailangan ng tao
katulad hangin, tubig, pagkain, shelter at damit. Mayroon bang malinis na
tubig? Ligtas ba yung pagkain? Maaayos ba ang kanilang matutuluyan? Pwede na
ring idagdag sa basics yung kuryente at imprastruktura ng bansa. May kuryente
ba? Maayos ba yung mga kalsada at establishment? Kapag napadaan ang isang
turista sa isang lubak-lubak na kalsada at traffic pa asahan mong pi-picturan
niya, ko-commentan niya at ise-share sa social media ang lahat ng
mae-experience niya. Kaya sana naman mai-provide ng mga kinauukulan ang mga
basic needs and services sa mga bisita natin para sa ikakaunlad ng turismo sa
Pilipinas.
https://thepinoysite.com/2012/04/11/mas-masaya-sa-pilipinas-part-1-of-4/
2. Solusyunan ang karanasan at
krimen
Malaki sa pondo ng kagawaran ng
turismo ang dapat ibinubuhos sa pagpuksa ng kriminalidad sa ating bansa upang
magkaroon ng seguridad ang mga turista dayuhan man o kapwa natin Pilipino.
3. Kahandaan sa mga natural
calamities
Sino bang turista ang gugustuhin
magpunta sa laging sira ang mga beaches, ang mga resort, ang mga gulayan, ang
mga palaisdaan at ang mga bubungan?
Kaya't sana mas maging handa ang
lahat hindi lang sa personal nating kaligtasan kundi para rin sa kapakanan ng
mga bisita o mga turista at ayusin na rin ang mga airport para sa ikakadali ng
pagpunta sa Pilipinas ng mga turista.
Ang kagawaran ng turismo sa Pilipinas ay handang magbigay ng magandang
serbisyo at pangalagaan ang mga destinasyon na pinupuntahan ng mga turista sa
ikalalago ng turismo sa Pilipinas. Ang kagawaran ng turismo ay handang magbigay
kaligtasan sa bawat turista. Marami mang problemang kinahaharap ang kagawaran
ng turismo ay handang nilang gawin ang lahat upang palaguin ang turismo. Higit
sa lahat alagaan ang mga lugar nang may malalim na hango ang ating kasaysayan
na siyang pinupuntahan o destinasyon ng mga turista. Ipakita ang pagiging
palakaibigan, mapagbigay, warmth at handang tumulong sa mga dayuhan upang
magkaroon ng positive experience na maaari nilang ikuwento sa iba sa ikauunlad
ng turismo sa ating bansa. Pinangangatawanan din ng kagawaran ng turismo sa
Pilipinas ang slogan na "IS MORE FUN IN THE PHILIPPINES".
http://primer.com.ph/blog/wp-content/uploads/sites/14/2016/11/Its-more-fun-in-the-philippines.jpg
References:
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento